Mga hindi nabigyan ng SAC ng DSWD, mabibigyan na sa mahigit ₱100,000 kinita ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto sa unang araw ng auction ng 3 rubber shoes ng alkalde

Pumalo sa kabuuang ₱132,000 ang nakolekta o na-auction ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto sa tatlong sapatos ng alkalde para pangtustos sa kanyang mga nasasakupan na hindi nabigyan ng Social Amelioration Card ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) program.

Sa kanyang Facebook page, ikinatuwa ni Mayor Nieto ang pagtugon ng kanyang mga kababayan sa mga sapatos na kanyang ini-auction kung saan ang isang sapatos ng alkalde na halagang ₱30,000 ay binili ng ₱71,000.00, habang ang pangalawang sapatos na halagang ₱10,000 ay binili naman ng ₱26,000.00 at ang huling sapatos nito na halagang ₱13,000 ay binili ng ₱35,000.00.

Paliwanag ng alkalde dahil sa kinita nito ay marami rami na rin umano siyang mabibigyan ng SAC assistance at hindi umano siya titigil hanggat hindi mabibigyan lahat ang kanyang mga nasasakupan.


Dagdag pa ni Nieto, magpapa-auction umano uli siya ng tatlong pares ng sapatos araw-araw hanggang sa matapos ang quarantine o hanggang maubos umano ang kanyang mga koleksyon.

Facebook Comments