Gagamitin ng pamahalaan ang mga hindi nagamit na pondo sa ilalim ng Bayanihan laws para sagutin ang gastos ng returning overseas Filipinos (ROFs) habang sila ay naka-quarantine.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang paglalaan ng Bayanihan funds sa quarantine expenses ay malaking kaluwagan para sa mga ROF at kanilang pamilya.
Aniya, malaking pera ang inilaan ng Kongreso para sa Bayanihan law.
Kaya kung ano ang matirang pondo dito ay gagamitin sa gastusin ng mga pauwing Pilipino mula abroad.
Ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang inatasang mag-asikaso sa pagbabayad ng quarantine expenses ng mga returning Filipinos.
Ang mga local government units (LGUs) ang nakatutok sa lodging ng Filipino returnees sa quarantine facilities.