Mga hindi nakapag bayad ng housing loan sa loob ng 3 buwan, hindi sisingilin ng isahang bayad ayon sa DHSUD

Hindi sisingilin ng isahang bayad ang mga kababayan nating hindi nakapag hulog ng housing loan sa loob ng tatlong buwan dahil sa Coronavirus pandemic.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario na hindi kaagad agad sisingilin ang nasabing halaga kapag nagpaso na ang moratorium sa susunod na buwan.

Ayon pa kay Del Rosario, ang tatlong buwang payment ay idadagdag sa huling loan program ng miyembro.


Halimbawa, kung 30-year payment program ang in-avail ng miyembro ito ay magiging 30 years and three months na.

Matatandaang nagpatupad ang DHSUD ng 3-month moratorium sa housing at short-term loan payments mula sa kanilang apat na key shelter agencies tulad ng the National Housing Authority, Pag-Ibig Fund, Social Housing Finance Corporation, at ang National Home Mortgage Finance Corporation magmula March 16 hanggang June 15, 2020.

Facebook Comments