MGA HINDI NAKATANGGAP NG RELIEF GOODS SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, UMALMA

Ilang residente mula sa San Fernando City,La Union ang umalma matapos umanong hindi makatanggap ng anumang relief goods kahit lubos na naapektuhan ng Bagyong Emong.
Kinuwestiyon ng ilang residente ang hindi pagkaka bilang ng ilang pamilya sa listahan ng benepisyaryo at ang kakulangan sa ibinibigay na relief pack sa isang bahay na may dalaw ao higit pang pamilya ang nakatira.
Dahil dito, ipinaliwanag ng Pamahalaang Panlungsod ang Sistema sa distribusyon ng relief packs na ibinababa sa mga barangay council bilang pangunahing may kaalaman sa sitwasyon na sinapit sa mga lugar.
Bukod dito, ang relief packs na mula sa tanggapan ay ibinahagi sa mga Internally Displaced Persons o mga nag-evacuate at nasira ang tirahan noong bagyo habang ang ayuda mula naman sa DSWD ay inilaan para sa mga residente mula sa pinakahuling census noong Hunyo.
Sa kabuuan, 15,766 relief packs ang ibinigay ng city government maliban pa sa family food packs na ipinamahagi sa 59 barangay.
Hinihikayat ang maagap na pakikipag-ugnayan sa mga barangay councils at Local Social Welfare and Development Office upang malinawan ukol sa distribusyon ng ayuda. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments