Kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang Local Water Utilities Administration (LWUA).
Ito ay may kaugnayan sa implementation ng 1.36 Billion Pesos Potable Water Supply Project na pinondohan ng Dept. of Health (DOH) noong 2010.
Base sa Annual Audit Report, ang proyekto na makakatulong sana sa pagbibigay ng supply ng tubig sa ilang bayan ay hindi pa rin natatapos mula nitong katapusan ng 2018 kahit na bigay ng pondo ang DOH sa LWUA noong December 29, 2011.
Kabilang sa mga hindi pa natatapos na proyekto ay nasa: Jaro, Leyte; Claveria, Misamis Oriental; Tangub, Misamis Occidental; Jolo, Sulu; at Masbate.
Kailangang ibalik ng LWUA sa DOH ang higit 121 Million Pesos na unutilized fund o mag-request ng realignment para sa ibang proyekto.
Tugon ng LWUA, aminado sila na 14 na water districts ay hindi pa nakakapagpasa ng liquidation reports tungkol sa mga nakumpletong proyekto habang 20 na ang nakapagsumite ng kanilang report.