Manila, Philippines – Planong paimbestigahan ng Mababang Kapulungan ang mga bakanteng units na inilaan para sa mga uniformed personnel dahilan kaya napasok ito ng Kadamay.
Nais ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez na silipin kung bakit bakante ang mga units sa mahabang panahon gayong karamihan sa mga ito ay nai-turn over na at pwede na ng matirahan.
Nakarating sa kanyang tanggapan ang mababang occupancy rate sa pabahay ng gobyerno sa mga sundalo at pulis kung saan umaabot lamang sa walong porsyento ng 57,000 housing unit sa buong bansa para sa AFP at PNP ang naokupahan batay yan sa tala ng Commission on Audit.
Nasa 73% ng housing units ay nai-turn over na rin sa mga uniformed personnel.
Sisilipin din sa imbestigasyon ng Kamara kung totoong mga beneficiaries ang kumuha ng mga unit.
Nation