Sang-ayon si Senate Minority Leader Franklin Drilon na kailangang higpitan sa paglabas ang mga hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19 para mapigil ang pagkalat ng virus.
Diin ni Drilon, na dating Justice Secretary, makatwirang gamitin ang police power para protektahan ang kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.
Sabi ni Drilon, kung lalabas ang mga hindi bakunado ay maari silang eskortan pabalik ng kanilang bahay upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19 lalo na ang Delta variant.
Paliwanag ni Drilon nasa kapangyarihan ng estado na limitahan ang galaw ng mga hindi pa nabibigyan ng COVID-19 vaccine pero kailangan ng batas kung sila ay paparusahan, aarestuhin at ikukulong.
Pero diin ni Drilon, kailangang maging maingat dito ang gobyerno dahil maraming mga Pilipino ang hindi pa nababakunahan hindi dahil ayaw nila kundi resulta ng kakulangan ng suplay ng COVID-19 vaccine sa bansa.