Humingi na ng tulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local government units (LGUs) na hanapin at kumbinsihin ang mga taong hindi pa nakakatanggap ng second dose ng COVID-19 vaccines.
Sa datos ng National Task Force against COVID-19 aabot sa 113,000 individuals ang hindi pa nakatanggap ng second dose ng COVID-19 vaccines.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga LGUs na gumawa ng mga hakbang na tulungan ang national government sa sitwasyon.
Iginiit ni Pangulong Duterte sa publiko na hindi pa kumpleto ang kanilang proteksyon laban sa COVID-19 kung hindi pa sila matuturukan ng second dose.
Umaasa ang Pangulo na matutunton ang mga taong hindi pa naturukan ng second dose na itinuturing na booster shots.
Aminado si Pangulong Duterte na nahihirapan siyang makumbinsi ang mga Pilipinong matitigas ang ulo.
Paalala rin ng Pangulo na kahit nabakunahan na ng dalawang dose ng bakuna ay kailangang sundin pa rin ang health protocols.