Mga hindi residente ng Parañaque City, maaari nang magpabakuna kontra COVID-19

Papayagan na ng Parañaque Local Government Unit (LGU) ang pagtuturok ng bakuna kontra COVID-19 sa mga hindi residente nito.

Sa anunsyo ng Parañaque Local Government Unit, ikakasa ang pagbabakuna sa Ospital ng Parañaque District II mula August 8 hanggang 13.

Sisimulan ito ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon kung saan Pfizer vaccine ang gagamitin.


Maging ang walk-in ay papayagan din at huwag kalimutan magdala ng valid ID gayundin ang mga naunang vaccination card.

Ang mga menor de edad naman ay pinapaalalahanan na magdala ng birth certificate at valid ID ng mga magulang o guardian.

Kaugnay nito, hinihimok ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang lahat na samantalahin na ang libreng pagbabakuna kontra COVID-19 upang maging ligtas sa epektong dulot ng nasabing sakit.

Facebook Comments