Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mamimiling lolokohin ang mga online sellers ay maaaring makulong.
Ito ang pahayag ng ahensya kasabay ng pagdagsa ng internet at online shoppers ngayong COVID-19 pandemic at holiday season.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, mahalagang idokumento ng mga online sellers ang tawag at text messages mula sa bogus buyers.
Aniya, kasong estafa ang maaaring isampa sa mga nanloloko.
Ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ay bukas para tumanggap ng mga reklamo na ipapadala naman sa Department of Justice (DOJ) na siyang mag-e-evaluate ng mga kasong maaaring isampa sa korte.
Facebook Comments