Mga hinihinalang may COVID-19 na tatangging magpa-swab test, mahaharap sa parusa ayon sa DOH

Posibleng maparusahan ang mga close contacts ng COVID-19 cases o mga nagpapakita ng sintomas kapag tumanggi silang sumailalim sa libreng swab testing na ini-aalok ng Local Government Units (LGUs).

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, importanteng sumalang sila sa swab testing dahil inaatasan sila ng kanilang LGU.

Aniya, bahagi ito ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic Strategy (CODE) kung saan may mga ipapadalang teams na magbabahay-bahay para hanapin ang sinumang nagkaroon ng exposure sa isang COVID-19 patients o mayroong sintomas.


Sinabi ni Vergeire, ang mga tatanggi sa swab testing ay maituturing na paglabag sa Republic Act 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng 20,000 hanggang 50,000 pesos o maaaring makulong ng isa hanggang anim na buwan.

Nagpaalala ang DOH na ang mga tatangging magpa-test ay maaaring magresulta pa sa pagkalat ng sakit.

Facebook Comments