Mga hinuli dahil sa di pagsusuot at maling pagsusuot ng mask face sa Quezon City, patuloy na nadadagdagan

Photo Courtesy: Quezon City Task Force Displina Facebook Page

Umabot sa 800 ang bilang ng mga hinuli at tinekitan sa Quezon City na lumalabag sa mga ordinansa kaugnay sa ipinapatupad na minimum health protocols.

Ang pinagsanib na puwersa ng Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina, Quezon City Police Department at Marker Development and Administration Department ang nagsagawa ng one-time big-time operation.

Kabilang sa mga pinagdadampot ay ilang guwardiya, naghahakot ng basura, construction workers, nagsasalansan ng paninda sa palengke at mga pasaway na residente.


Dinala ang mga ito sa Quezon Memorial Circle para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt.

Binigyan ng pitong araw ang mga tiniketan para bayaran ang P300 na multa ng di-pagsusuot o di maayos na pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments