MGA HIRED ON THE SPOT SA ISINAGAWANG JOB FAIR SA PANGASINAN KAHAPON, NABIGYAN NG 5,000

Tumanggap ng 5,000 mula sa DSWD ang mga hired-on-the spot sa isinagawang Job Fair sa Calasiao kahapon.

Ang programa ay mula sa Employment Assistance Fund na ahensya kung saan Kabilang din sa nabigyan ay mga miyembro ng 4ps.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay DOLE Central Pangasinan, Officer-in-charge Rhoda Dingle, dinaluhan umano ng nasa 22 local employers and naturang job fair pati na rin ng 4 na overseas.

Mayroon na rin umanong one stop shop sa naturang job fair upang hindi na mahirapan ang ilang aplikante sa kanilang requirements, katuwang ang ibang national government agencies.

Ayon kay Dingle, isinagawa ang job fair na ito dahil nais umano ng ahensya na maihatid ang serbisyo ng DOLE sa mga Pilipino na magkaroon ng maayos at Magandang trabaho.

Nagpasalamat naman ang ilang mga nabigyan ng trabaho sa paglulunsad ng mga naturang kaganapan upang mabenepisyuhan ang tulad nila.

Sa Pangasinan, nauna nang inihayag ng DOLE na mayroong halos 13K ang trabahong magbubukas sa tatlong lugar na pinagganapan nito, sa Lingayen, Urdaneta City, at bayan ng Calasiao.

Sa buong Rehiyon, aabot na sa higit 100 ang naitalang HOTS.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments