
Binista ng Department of Tourism (DOT) ang mga Historical site at Heritage na tinamaan ng 6.9 magnitude na lindol sa Cebu.
Partikular na rito ang ilang mga simbahan at mga tourism establishment na napinsala ng lindol.
Ayon sa DOT, 18 na tourism establishments ang napinsala, kabilang ang 21 site attractions, 36 accommodations, at 23 tourism infrastructures.
Partikular na rito ang Fort San Pedro, Archdiocese Shrine of Santa Rosa de Lima, St. Peter and Paul Parish, San Isidro Labrador Church, Capelinha de Fatima Replica, San Juan Nepomuceno Parish, Medellin Tourist, at Carmen Tourist.
Patuloy naman na iniinspeksyon ng ahensya ang mga establisyemento upang matukoy ang posibleng tulong na maibibigay ng kagawaran.
Apektado rin ang 711 na tourism workers na direktang naapektuhan ng lindol, kabilang ang mga empleyado ng hotel, resorts, restaurants, travel agencies, transport services, at iba pang kaugnay na negosyo.
Samantala, magtutungo rin ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa Cebu para inspeksyunin ang tinamong pinsala sa Northern Cebu.









