Mga hoarder o mang-iipit sa suplay ng pangunahing bilihin, babantayan ng Trade department sa harap ng inaasahang pagtama ng La Niña sa bansa

Tututukan na rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga posibilidad na pang-iipit o pangho-hoard sa suplay ng pangunahing bilihin.

Ito’y sa posibilidad na rin ng pagtama ng La Niña sa bansa kasunod ng transition mula naman sa El Niño phenomenon.

Ayon sa Trade department, dapat na umanong paigtingin ang pagbabantay sa presyo at suplay ng mga bilihin sa mga pamilihan.


Giit ng ahensya, ang kanilang pagtutok ay para maprotektahan ang mga consumer sa mga magsasamantala lalo na’t inaasahan na ang tag-ulan.

Una nang sinabi ng Department of National Defense (DND) na aalalay sila sa Department of Agriculture (DA) at DTI kung sakaling kailanganin ang kanilang tulong.

Binigyang diin ng DTI na malaking bagay para sa milyon-milyon nating mga kababayan ang patas at abot kayang mga bilihin lalo na’t walang habas ang pagtaas sa presyo ng karneng baboy, isda at bigas sa unang quarter pa lang ng taon.

Facebook Comments