Mga hog raiser sa bansa, umaapela ng suporta sa gobyerno sa patuloy na pagtaas ng presyo ng karne

Umaapela sa pamahalaan ang sektor ng mga hog raiser sa patuloy na pagtaas ng presyo ng karne sa mga pamilihan kasabay ng banta ng COVID-19.

Ayon kay Nicanor Briones, Vice President ng Pork Producers Federation of the Philippines (ProPork), bumaba na sa farm gate ang presyo ng mga karne ng baboy ngunit mataas pa rin ang bentahan nito sa merkado.

Sinabi ni Briones na dapat sa ngayon ay P260 na lamang ang kada kilo ng baboy lalo na at P150 pesos ang halaga ng bawat kilo nito sa farm, at ang dapat na dagdag ay P110 pesos na lamang.


Gayunman, ang presyo nito sa palengke ay pumapalo sa P330 hanggang P350 kada kilo sa bawat palengke.

Panawagan nila na dapat kumilos na ang mga ahensiya ng gobyerno para makontrol ang presyo at abot kaya itong mabili ng publiko.

Inihayag naman ni Briones na inaasahan nila na mas tataas pa ang demand ng karneng baboy sa pagpasok ng holiday season kung saan muli niyang iginiit na huwag nang tangkilikin pa ang mga imported na karne dahil walang kasiguraduhan kung ligtas ito sa kalusugan lalo na’t naiimbak ng ilang linggo sa mga cold storage.

Facebook Comments