Nakumpiska ng pinagsanib pwersang Joint Task Force POSEIDON, 1st Zamboanga City Mobile Force Company at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region IX sa pamamagitan ng kanilang maritime operation ang mga homemade na pampasabog na ginagamit sa blast fishing.
Ayon kay Lt. Chester Cabaltera, Public Affairs Officer ng Naval Forces Western Mindanao, nakumpiska ang 46 bottles/containers of homemade explosives, 50 commercial blasting caps, 8 metro ng timing fuse at isang motorized boat sa Barangay Mariki, Zamboanga City.
Sinabi ni Cabaltera na ang isang motorized boat na may lulang 3 kalalakihan ay nakatakas at patuloy nang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Samantala, naiturn-over na ang mga pampasabog sa Philippine National Police Explosive Ordnance Disposal Team (PNP – EOD) para sa proper disposal.