MGA HOSPITAL SA PANGASINAN, PINAGHAHANDA NA SA MGA MABIBIKTIMA NG PAPUTOK

Pinaghahanda na ng Provincial Health Office ang mga ospital sa Pangasinan sa mga posibleng mabibiktima ng paputok ngayong papalapit ang Bagong Taon.

Ayon kay Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, Rhodalia Binay-an, inalerto na ng kanilang tanggapan ang mga health facilities sa probinsya upang paghandaan ang kaso ng mga mapuputukan.

Hinihikayat rin umano ang mga emergency rooms ng mga ospital na ngayon pa lamang ay ihanda ang mga kagamitan tulad ng ng anti-tetanus at antibiotics na gagamitin.

Sa tala ng kagawaran, naitala ang 163 na kaso ng firecracker related injuries sa Pangasinan noong Disyembre 21,2023 hanggang Enero 6 ng 2024.

Tumaas ito ng 123% kumpara sa naitalang 73 sa parehas na panahon.

Sa ngayon, patuloy ang kampanya ng kagawaran na umiwas sa paputok upang maging ligtas ang pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.

Nauna nang itinaas ng Department of Health sa Code White Alert ang mga pampublikong ospital sa buong bansa bilang paghahanda sa pagsalubong sa bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments