Mga hospital sa rehiyon 10, isinailalim sa code white

Cagayan De Oro, Philippines – Isinailalim sa Department of Health o DOH sa code white alert ang mga hospital sa buong rehiyon 10!

Ito ay dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City at sa mataas na bilang ng mga dumudulog sa iba’t-ibang hospital.

Ayon kay JR Borja General Hospital, acting Chief, Dr. Ramon Nery, mula sa DOH ang kautusan bilang pagtugon sa mga mangangailangan ng serbisyong medical lalo na ang mga internally displaced persons.


Dahil dito, 24 oras ang lahat nilang mga doktor, nurses, mga personahe at kanila ring hinigpitan ang seguridad sa buong paligid ng nasabing hospital.
DZXL558

Facebook Comments