Mga hotel, dapat gamitin bilang quarantine facilities – Pangulong Duterte

Handa ang pamahalaan na sagutin ang gastos ng mga hotel at resorts na gagamiting temporary medical facilities para sa mga suspected o confirmed COVID-19 cases.

Sa kanyang ‘Talk to the Nation’ address, nakiusap ang Pangulo sa mga may-ari ng mga hotels, inns at motels na tulungan ang mga Pilipinong nangangailangan.

Hihingi rin ng tulong ang Pangulo sa Kongreso na makahanap ng pondo para bayaran ang mga pasilidad.


Inatasan din ng Pangulo ang mga Local Government Unit (LGU) na magkaroon ng arrangements sa mga hotels at motels para tanggapin ang mga COVID-19 patients.

Sinabi ng Pangulo na handa ang pamahalaan na tulungan ang mga hotels sa decontamination ng mga kwarto kapag natapos itong gamitin ng mga pasyente.

Paliwanag pa ni Pangulong Duterte na may ilang tao na nagkakaroon ng ‘trauma’ kapag na-confine sa ospital habang nilalabanan ang COVID-19.

Kapag ang hotel at iba pang kaparehas na establishment ay ginamit bilang medical facility, pansamantala muna itong isasara sa general public.

Facebook Comments