Nanawagan ang Department of Tourism (DOT) sa lahat ng accommodation establishments sa Metro Manila na nagsisilbing quarantine facilities para sa mga returning overseas Filipinos na sumunod sa 14-day mandatory quarantine protocol kahit negatibo pa ang resulta ng RT-PCR test.
Ayon kay DOT National Capital Region Director Woodrow Maquiling Jr., alinsunod ito sa direktiba ng national government na isalang sa test ang lahat ng paparating na pasahero mula sa mga bansang mayroong kumpirmadong kaso ng bagong COVID-19 variant.
Ang mga returning overseas Filipinos ay kailangang kumuha ng RT-PCR swab test at sumailalim sa mandatory 14-day quarantine kahit magnegatibo pa ang resulta ng kanilang test.
Kabilang na rito ang mga pasaherong manggagaling sa United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, United States, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain at Germany.