Mga hotel, maaaring magsilbing temporary health facilities sa gitna ng lumolobong COVID-19 cases ayon kay Pangulong Duterte

Maaaring gamitin ng pamahalaan ang mga hotel bilang temporary health facilities sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kaniyang public address, aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na pwede niyang i-convert ang ilang hotel para doon i-accommodate ang mga pasyente sakaling mapuno na ang mga ospital.

Para matulungan ang kasalukuyang health workforce, maaaring atasan ni Pangulong Duterte ang mga kawani ng gobyerno at reservist para magsilbi sa COVID-19 response.


Batay sa huling datos ng Department of Health (DOH), 87% ng 1,600 isolation beds sa mga ospital sa Metro Manila ay okupado na habang 79% ng 3,600 isolation beds ang ginagamit.

Nasa 75% ng 524 Intensive Care Unit beds ang okupado na rin.

Inatasan na ng pamahalaan ang mga pampublikong ospital sa Metro Manila at CALABARZON na itaas ang hospital beds na nakalaan para sa COVID-19 mula 30% patungong 50%.

Ang mga pribadong ospital din ay hinihikayat na itaas ang kanilang bed allocation sa 20% patungong 30%.

Facebook Comments