Mga hotel na kasalukuyang quarantine facility, hindi pwedeng tumanggap ng staycations – DOT

Muling nanindigan ang Department of Tourism (DOT) na ang mga hotel na kasalukuyang ginagamit bilang quarantine facilities ay hindi maaaring mag-operate para sa staycation.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang mga eksperto na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang nagsasabi na hindi maaaring ihalo ang quarantine facility at staycation facility.

Muling iginiit ng kalihim na ang pagpayag na magbakasyon ang ilan sa mga hotel ay para makabalik muli sa trabaho ang ilang tourism workers na naapektuhan ng pandemya.


Naniniwala si Puyat na sa gitna ng banta ng COVID-19, kakayanin ng bansa na i-restart ang ekonomiya.

Sa ngayon, nananatiling mababa ang occupancy rates sa mga hotel.

Facebook Comments