Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na makapag-accomodate ng staycation guests ang accredited hotels nang hanggang 100% ng kanilang venue capacity.
Binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ito ay para lamang sa mga Department of Tourism o DOT-Accredited Accommodation Establishments na mayroong Certificate of Authority to Operate for Staycation.
Aniya, ang staycation hotels na ito ay maaaring hindi na ipasailalim pa sa COVID-19 test ang kanilang guests bilang requirement sa kanilang pananatili sa hotel, basta’t nasa 18-65 years old ang mga ito.
Samantala, ang mga DOT-accredited accommodation establishment sa General Community Quarantine (GCQ) areas ay papayagan na ring tumanggap ng bisita for leisure purposes, hanggang 30% ng kanilang venue capacity at ito ay subject pa rin sa guidelines at conditions na una nang itinakda ng DOT.