Nagpaalala si Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa mga hotel na nagsisilbing quarantine facility na hindi maaaring tumanggap ang mga ito ng “staycation” guests.
Ayon kay Puyat, maaaring ipasara ang mga hotel na parehong magsisilbing quarantine facility at pang-staycation.
Ang mga sumusunod na hotel sa Metro Manila ang maaari lamang tumanggap ng staycation:
1. Grand Hyatt Hotel
2. Makati Shangri-La Hotel
3. Okada Manila Hotel
4. Shangri-La at the Fort
5. Nobu Hotel
6. Joy Nostalg Hotel & Suites Manila
7. EDSA Shangri-La Manila
8. Solaire Resort
9. Hyatt Regency City of Dreams
10. Nuwa Hotel City of Dreams
11. The Peninsula Manila
12. Aruga by Rockwell
13. Sheraton Manila Hotel
14. Hilton Manila & Hotel Okura Manila
Nilinaw naman ni Puyat na maaari namang mag-apply ang ibang 4 o 5 star hotel ng lisensiya para mag-operate bilang staycation hotel
Una nang pinayagan ang staycation sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine na layong mapalakas ang domestic tourism.