Manila, Philippines – Dalawang housing units na duplex type ang libreng ipagkakaloob sa mga naulila ng mga nasawi o killed in action at sa mga sugatan sa Marawi crisis.
Ayon kay Architect Susana Nonato, tagapamuno ng AFP PNP project ng National Housing Authority, ang housing units ay para sa 150 square meter na lote at floor area na 60 sq.meter.
Kung ang pamilya ay may sariling lote o propredad, tatanggap sila ng 450,000 at kung mangangailangan lamang ng pagkukumpuni o repair ang bahay, tatanggap ang family beneficiary ng 100,000.
Sa ngayon ay mayroon nang 93 killed in action na pinoproseso ang National Housing Authority.
Facebook Comments