Mga hugis pusong balloon at rosas mabenta ngayon sa Marikina City, mataas na presyo deadma lang ng mga estudyante

19

Hindi inaalintana ng mga estudyante ang mataas na presyo ng mga rosas at hugis puso na balloon mabigyan lamang importansya ang Valentine’s Day.

Dagsa ngayon sa Marikina City ang mga estudyante at ilang mga binata at dalaga para bumili ng mga rosas, hugis pusong balloon at teddy bear kung saan ang presyo ng rosas  isang piraso na plastik at PHP20, ang tatlong piraso rosas naman na kulay white ay PHP250 at ang pula ay mas mahal PHP300, ang hugis na pusong balloon ay PHP50 at ang malaki ay PHP100. Habang ang maliit naman na teddy bear ay PHP250 at ang malaking teddy bear ay nagkakahalaga ng PHP800. Ang puting rosas na isang dosena ay nagkakahalaga ng PHP700. Ang pula ay mas mahal, umaabot sa PHP1500.


Samantala, ang presyo ng maliit na astro na 3 piraso ay nagkakahalaga ng PHP 400-450, habang ang bouquet na rosas na isang dosena ay nagkakahalaga ng PHP1300-1500.

Paliwanag ng mga estudyante hindi nila pinapansin ang presyo kung tumaas o bumaba ang mahalaga anila ay mabigyan nila ng rosas ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong araw ng mga puso.

Facebook Comments