Kinausap ni Senator Christopher “Bong” Go si bagong Philippine National Police (PNP) Chief Lt. General Guillermo Eleazar at Trade Secretary Mon Lopez.
Kaugnay ito sa derektiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin at ikulong ang hindi nagsusuot ng face mask o mali ang paraan ng pagsusuot nito.
Ayon kay Go, iminungkahi niya kina Eleazar at Lopez pati na rin kay Pangulong Duterte na turuan o lecturan at bigyan ng libreng face mask bago ikulong at pauwin ang mga lalabag sa paggamit nito.
“Naaawa rin naman po kami ni Pangulo. Kaya kinausap ko po si Pangulong Duterte kagabi at sabi ko, ‘Mr. President, since namimigay naman tayo ng masks, kapag nahuli mga pasaway, pwede bang pagdating sa presinto, bigyan na lang natin sila ng face mask bago sila umuwi, o bago sila ilagay sa selda baka doon pa magkahawaan,’ pahayag ni Sen. Go.
Paliwanag ni Go, ayaw sana ni Pangulong Duterte na ipakulong ang mga pasaway sa pagsusuot ng face mask pero kailangan silang disiplinahin dahil posibleng sila ang magdala o makahawa ng COVID-19 kung hindi sila nagsusuot ng face mask.