Mga hukay sa Bilibid, idineklarang illegal quarrying ng DENR – BuCor

Idineklara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang hukay sa New Bilibid Prison (NBP) na illegal quarrying.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge Gregorio Catapang, magsasampa sila ng kaso laban sa mga sangkot sa naturang quarry.

Nanindigan naman si suspended BuCor Chief Gerald Bantag na ang NBP excavation ay para sa scuba diving pool na pinondohan ng Agua Tierra Oro Mina Development (ATOM) Corporation.


Pero ayon kay ATOM President Virgilio Bote, umurong siya sa kasunduan kay Bantag.

Nang tanungin kung kasama sa sasampahan ng kaso si Bantag, sinabi ni Catapang na posible ito.

Samantala, inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na personal na sinabi sa kaniya ni Bantag na naghuhukay siya upang hanapin ang Yamashita treasure sa NBP.

Facebook Comments