Mga humabol para bumisita sa mga sementeryo at kolumbaryo, dumagsa; mahigit 60,000 dami ng pasahero sa weekend, inaasahan ng PITX

Marami ang humabol kahapon sa pagbisita sa kanilang mga mahal sa buhay sa mga sementeryo at kolumbaryo sa Metro Manila.

Isang araw ito bago isara ang mga sementeryo at kolumbaryo sa bansa na magsisimula ngayon, October 29 hanggang November 2 kasabay ng paggunita ng Undas.

Hindi naman dinagsa ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa mga uuwi ng probinsya.


Pero sa tantiya ng pamunuan nito ay posibleng umakyat sa mahigit 60,000 ang dami ng pasahero sa weekend habang papalapit ang Undas.

Payo ng PITX sa mga pasahero, alamin muna ang requirements ng pupuntahan nila bago bumiyahe.

Sa ilang terminal, patuloy pa rin ang paghihigpit sa mga pasaherong uuwi sa probinsya kung saan hinihingi ang mga dokumento gaya ng resulta ng swab test, ID at mga vaccination cards.

Naglaan na rin ng traffic enforcers ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa palibot ng mga transport terminals para mapabilis ang daloy ng trapiko.

Facebook Comments