Isang liham ang nakatakdang isumite bukas sa Korte Suprema ng iba’t ibang human rights defenders at umano’y mga biktima ng red-tagging.
Nakadetalye sa liham ang umano’y urgent human rights issues na nangangailangan umano ng agarang judicial intervention.
Ang liham ay pirmado ng Bayan, Karapatan, ACT, KMU, COURAGE at iba pa.
Aasistihan naman sila ng National Union of People’s Lawyer.
Ang hakbang ay kasunod ng ipinalabas ng posisyon ng Supreme Court en banc noong March 2021 kaugnay sa mga pag-atake sa mga hukom at abogado.
Facebook Comments