Mga human rights group, pinadudulog ng NBI sa kanilang tanggapan tungkol sa usapin ng War on Drugs

Hinimok ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang mga human rights group na lumapit sa kanilang tanggapan upang ipresenta ang kanilang mga datos kaugnay sa bilang ng mga namatay sa “War on Drugs” ng Duterte administration kung saan sinasabing umaabot sa 30,000 katao ang namatay at karamihan ay pawang mga inosenteng indibidwal.

Sa ginanap na press conference sa Quezon City, sinabi ni DOJ Assistant Secretary Atty. Mico Clavano na dapat maging patas din ang mga human rights group sa mga bilang ng mga namatay sa “War on Drugs” ng Duterte administration upang maging patas ang kanilang pagbibigay ng impormasyon sa publiko

Paliwanag pa ni Atty. Clavano, mahalaga na maging makatotohanan din ang mga impormasyon na inilalatag ng human rights group sa mga mamahayag at social media platforms upang hindi mailigaw ang taongbayan sa tunay na nangyayari sa mga napapatay sa war on drugs.


Dagdag pa ni Atty. Clavao na sa usapin naman sa bilang ng mga naapatay sa war on drugs ng Duterte administration, hindi umano sila magsasalita sa hawak ng Philippine National Police (PNP), tanging ang hawak lamang ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang tutugunan dahil ang hawak nila ay more complex crime kung anong stages cases at anong number cases involved dahil ang NBI ay mayroong 1,700 ahente na nagsasagawa ng mga imbestigasyon.

Binigyang diin ng opisyal na mahalaga na magkaroon ng mga dokumento ang human rights group upang magkaroon ng reyalidad sa bilang ng mga namatay sa war on drugs noong nakaraang administrasyon.

Matatandaang inihinto ng International Criminal Court o ICC ang imbestigasyon sa war on drugs noong Nobyembre 2021 sa kahilingan ng Pilipinas, dahil hindi umano kailangan mag-imbestiga ng ICC dahil may gumaganang sistema ng hudikatura ang bansa.

Facebook Comments