Mga human trafficker, mayroong bagong modus; pinapagamit ang mga biktima ng wheelchair para matakasan ang Immigration inspection

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na hindi uubra ang bagong modus ng mga human traffickers na pinapagamit ang kanilang mga biktima ng wheelchair para matakasan ang mahigpit na inspection sa mga paliparan.

Kasunod na rin ito ng pagkakaharang sa babaeng trafficking victim sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Tinangka umano ng biktima na sumakay sa Philippine Airlines (PAL) flight patungong Thailand pero naharang ito ng mga miyembro ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ng Bureau of Immigtation.


Sa isinagawang secondary inspection, marami umanong inconsistent na statement ang biktima at kalaunan ay umamin ding na-recruite para magtrabaho bilang household service worker sa Lebanon.

Kasabay nito, inamin din ng biktima na pinagsabihan siya ng kanyang recruiter na magpanggap na may sakit at gumamit ng wheelchair para matakasan ang mga immigration officers.

Facebook Comments