Mga hurado sa Pacquiao-Horn Fight, dapat sibakin na sa boxing industry

84

Manila, Philippines – Para kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, dapat sibakin na ang tatlong judge sa ginanap na laban ni Senator Manny Pacquiao at Australian boxer na si Jeff Horn.

Ayon kay Senator Recto, malinaw na si Pacquiao ang nagwagi at hindi si Horn.

Subalit ninakaw aniya ng mga judges ang tagumpay mula sa ating Pambansang Kamao.


Sa tanong naman kung dapat na bang magretiro si Senator Pacquiao sa boxing.

Sinabi ni Recto na si Pacman lang ang nakakaalam kung ano ang makabubuti para sa kanya, sa kanyang pamilya sa boxing industry at sa kanyang mga fans.

Facebook Comments