Mga huwes, pinagsusumite ng Korte Suprema ng status ng mga kaso hinggil sa PCSO anomaly

Inatasan ni Court Administrator Jose Midas Marquez ang lahat ng mga hukom na magsumite ng ulat kaugnay ng estado ng mga kaso na may kinalaman sa PCSO.

Sa isang pahinang OCA Circular, inatasan ni Marquez ang lahat ng mga hukom at branch clerks of court na magsumite ng ulat hanggang August 15, 2019.

Partikular na ipinasusumite ng OCA ang mga kasong naihain mula noong January 2018 hanggang sa kasalukuyan.


Ginawa ni Marquez ang kautusan sa harap na rin ng alegasyon ng katiwalian sa PCSO at sa gaming activities nito gaya ng small town lottery at lotto.

Facebook Comments