Manila, Philippines – Nagtipon-tipon ngayon sa harapan ng DOLE ang iba’t-ibang cause oriented groups upang ipahiwatig ang kanilang pagsuporta sa desisyon ng Pangulong Duterte na alisin na bilang chairman ng negotiating panel ng GRP sa pakikipag-usap sa teroristang grupong NDF-CPP-NPA si DOLE Secretary Silvestre Bello III dahil opisyal ng terminado ang usapan sa NDF at hindi na kinakailangan ang kanyang serbisyo.
Ayon kay Ka Mario Laudes, tagapagsalita ng Liga Independencia Pilipina, malinaw aniya na isang maling kamalian sa panig ng GRP Panel na sila ang maghahabol sa NDF at pumayag ang ilang mga kahilingan nito gaya ng 3rd party/country host intervention at pagpayag na sa Norway na ganapin ang pag-uusap.
Paliwanag ni Laudes, ang ugat ng problema ng lokal na rebelyon ay dapat lokal din ang solusyon ang kailangan at nararapat lang na gawin sa Pilipinas ang pag-uusap kung saan isang localize peace talks ang kailangan.
Giit nito sa matagal ng panahon ng ganitong set up umano sa ibang bansa ginaganap ang usapan ang 3rd party mediator ay paulit-ulit lamang aniya ang agenda at walang pinatutunguhan ang usapan mula panahon pa umano ni dating Pangulong Cory Aquino hanggang ngayon ay walang nangyayari ang kanilang usapan.
Mungkahi nito sa kalihim tutukan nalamang nito ang DOLE laban sa infiltration ng CPP-NPA at pag-ibayuhin ang paghahanap ng kongretong solusyon sa mga usapang paggawa gaya ng usapin ng kontrakwalisasyon.