MGA IBINEBENTANG BIGAS SA PAMPUBLIKONG PAMILIHAN SA DAGUPAN CITY, ININSPEKSYON NG DTI

Ininspeksyon ng ilang kawani mula sa Department of Trade Industry o DTI ang mga inilalakong bigas sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan alinsunod sa inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na Executive Order No. 39 na nagtatakda ng pinakamataas na presyo na maaaring maibenta ng mga tindahan ang regular milled at well-milled na bigas o ang Imposition of Mandated Price Ceiling on Rice.”
Matatandaan na bunsod ito ng naipaulat ng ahensyang DA at DTI na may malawakan umanong “price manipulation” sa produktong bigas na siyang nagdudulot ng malaking pagtaas ng presyo ng bigas tulad ng hoarding, o ang pag-iimbak ng ilang mga mangangalakal at isa pang naiulat na dahilan ay ang mayroon umanong sabwatan sa rice industry.
Inaasahang epektibo ngayon ang price ceiling kung saan ang dapat lamang na presyo ng regular milled rice ay nasa 41 pesos ang kada kilo habang ang well milled rice naman ay nasa 45 pesos ang kada kilo nito.

Tiniyak naman ng mga ahensyang DTI at DA sa tulong pa ng DILG ay mahigpit ang pagpapatupad nito sa merkado at nasusunod ng mga nagbebenta ng produktong bigas.
Samantala, ilang mga Dagupeno naman ay umaasa sa pagbaba talaga ng presyo ng bigas upang makatulong umano ang mga ito kahit man lang maibsan ang kanilang nararanasang nagmamahalang presyo ng mga bilihin. |ifmnews
Facebook Comments