MGA IBINEBENTANG KARNE SA SAN CARLOS CITY, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN NG CITY VETERINARY OFFICE

Mahigpit na binabantayan ng City Veterinary Office ng San Carlos ang mga ibinebentang produktong karne sa mga pwesto sa parehong palengke at mall.

Ayon kay Slaughterhouse Master I, Dr. Monica M. Gabuyan, patuloy ang kanilang pagtutok sa kalinisan ng mga ipinapasok na karne ng baboy sa lungsod para sa kaligtasan ng mga mamimili.

Hinihikayat rin ng tanggapan na sa mismong Class AA Slaughterhouse ng lungsod na ikatay ang mga ibebentang karne sa publiko upang agad mamonitor ng City Veterinarian ang kalidad ng mga karne.

Kamakailan ay nakatanggap ng pagkilala ang tanggapan ng City Veterinary Office dahil sa maayos na pagsasagawa ng tungkulin sa pagtutok sa kalidad ng karne na nabibili ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments