Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay Elmer Asis, isa sa mga may-ari ng bentahan ng paputok sa Brgy. Cabaruan, sinabi nito na halos doble ang naging pagtaas ng presyo ng ilang mga paputok na binili pa niya mula sa bulacan.
Ang kwitis na nagkakahalaga lamang noon ng P5 ay nasa P10 na ngayon.
Ilang dahilan umano ng pagtaas ng presyo ng paputok ay dahil sa kakulangan ng suplay, pagtaas ng presyo ng mga kinakailangan sa paggawa ng nito, at pagmahal ng transportasyon.
Kasama sa mga nagtaas ng presyo ay ang 16-shot aerial pyrotechnics na dating nasa P950 at ngayo’y P2,000 na.
Samantala, matumal pa rin aniya ang bentahan ngayon kahit na ilang Araw na lamang ay pasko na.
Ngunit inaasahan naman ni Ginoong Asis na ilang Araw bago ang pagsapit naman ng Bagong Taon, ay posibleng dumagsa ang mga mamimili lalo na at maluwag na umano ang mga restrictions sa lungsod ngayon, kumpara noong taong 2021.