Nagpapatuloy ang negosasyon ng pamahalaan sa ibang mga bansang maaari nating bigyan ng bakuna kontra COVID-19.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na pinaplantsa pa ang detalye kung ilang doses ng mga bakuna ang maaaring ibigay ng Pilipinas sa Myanmar at Papua New Guinea.
May mga bakuna kasing pinalawig ng Food and Drug Administration (FDA) ang shelf-life kung saan maaari pa itong magamit sa ating vaccination campaign.
Sa kabila nito, sinabi ni Cabotaje na kailangan pa ring pag-ibayuhin ang ating bakunahan at gawing available ang lahat ng mga bakuna sa lahat ng health centers, vaccination sites at iba pa.
Kasunod nito, muling hinikayat ng opisyal ang publiko na magpabakuna na dahil nanantili pa rin ang banta ng COVID-19.