Mga IDPs sa Malabang at Ganassi muling nakatanggap ng ayuda sa ARMM HEART

Abot sa 3,500 na mga Internally Displaced Persons ang muling napagkalooban ng tulong ng ARMM Humanitarian Emergency Action and Response Team at World Food Programme.

Isinagawa ang relief distribution kahapon sa mga bayan ng Malabang at Ganassi sa Lanao Del Sur.

Tig 25 kilos na bigas ang ipinagkaloob sa mga residenteng naapektuhan ng krisis sa Marawi City at kasalukuyang nasa evacuation centers ng nabanggit na mga bayan, ayon pa kay Myrna Jocelyn Henry ng ARMM Heart.


Kaugnay nito, magpapatuloy sa pagpapaabot ng tulong ang ARMM Heart sa iba pang mga bakwit na nasa ibat ibang evac centers ng ibat ibang munisipyo ng Lanao Del Sur. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments