Mga IED at high powered fire arms narekober sa inilunsad na combat strike operation sa Maguindanao

Ilang Improvised Explosive Device (IED) at high powered fire arms ang narekober sa inilunsad na operasyon laban sa Daes Inspired group sa lalawigan ng Maguindanao noong araw ng Sabado.
Ayon kay DPAO Chief at 6th ID Spokesperson Army Capt. Arvin Encinas naglunsad ng combat strike operation ang combined elements ng 19th IB at 6th IB sa mahigit 20 miembro ng mga terorista ng marekober ang nasabing IED component sa sitio Sibuloy barangay Kuden sa bayan ng Talitay at barangay Brar sa bayan ng Datu Anggal Midtimbang pawang nasa Maguindanao.
Sabado rin ng hapon ng marekober ng combined elements ng 22nd mechanized Infantry Brigade at 57th IB ang ilang high powered fire arms tulad ng locally made cal. 50 sniper rifle sa Barangay Alonganen sa bayan ng Datu Piang Maguindanao.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments