Mga iiwanang posisyon ng mga sasabak sa eleksyon, hindi mapapabayaan ayon sa Palasyo

Tiniyak ng Palasyo na hindi mapapabayaan ang mga posisyon na iiwanan ng mga gabinete na tatakbo sa eleksyon 2022.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang ipapalit sa mga ito.

Pagtitiyak pa ni Roque na magkakaroon ng Officer-in-Charge habang wala pang bagong appointment na nagagawa ang presidente.


Sa Biyernes kasi ay aarangkada na ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa mga sasabak sa nalalapit na halalan.

Kabilang sa pambato ng Partido Demokratiko Pilipino- Lakas ng Bayan o PDP-Laban sa pagkasenador ang ilang cabinet secretaries at mambabatas na sina:

Labor Secretary Silvestre Bello III
Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo
Transportation Secretary Arthur Tugade
Presidential Spokesperson Harry Roque
Public Works and Highways Secretary Mark Villar
Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica
House Deputy Speaker Rodante Marcoleta

Facebook Comments