Walang namomonitor na untoward incident ang Philippine National Police (PNP) sa mga nagaganap ngayong kilos-protesta kasabay ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, maituturing na mapayapa ang mga pagkilos ng militanteng grupo.
Aniya, tumatalima naman sa minimum public health protocols ang mga nagsipag-dalong mga raliyista upang maiwasan ang paglobo ng kaso ng COVID -19.
Ani Fajardo, nagpapatuloy ang monitoring at pagbabantay ng mga pulis kasunod nang isinasagawang People’s SONA sa pangunguna ng grupong Bayan at mga kaalyadong grupo.
Nauna nang sinabi ng pamunuan ng PNP na hindi maapektuhan ang latag ng seguridad sa SONA sa kabila nang nangyaring pamamaril kahapon sa Ateneo de Manila University kung saan 3 katao ang napaulat na nasawi.