Patuloy ang operasyon sa pag-aalis ng ilegal na wiring sa loob at paligid ng Pamilihang Bayan ng Bayambang upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng lugar.
Kasama sa gawain ang pagtanggal ng hindi awtorisadong koneksyon, pag-aayos ng nakalantad na kable, at pagkumpiska ng mga ilegal na wires na maaaring magdulot ng sunog o aksidente.
Nanawagan ang LGU Bayambang sa mga stall owners at vendors na makipagtulungan para sa mas ligtas at maayos na pamilihan.
Tiniyak naman ng LGU na magpapatuloy ang operasyon hanggang masiguro ang maayos na daloy ng serbisyo sa pamilihan.
Facebook Comments









