Mga iligal na aksyon ng China sa WPS, patuloy na ilalantad ng pamahalaan sa gitna ng mga maling naratibo nito sa rehiyon

“Ipalaganap ang katotohanan at ilantad ang iligal na aksyon ng China”

Ito ang panawagan ni Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa mga miyembro ng media sa gitna ng patuloy na pagbaluktot ng naratibo ng China hinggil sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Tarriela, kahit gaano pa karaming trolls ang bayaran ng China para magpakalat ng maling impormasyon ay dapat ipagpatuloy ng Pilipinas ang diskarte nito na imulat ang publiko sa tunay na sitwasyon sa rehiyon.


Giit pa ni Tarriela, mula nang simulan ng pamahalaan ang transparency noong Pebrero at hanggang sa ngayon ay pinaigting din ng China ang information operations nito patungkol sa WPS.

Ibig sabihin lang aniya nito na epektibo ang ginagawa ng bansa na paglalantad sa mga pangha-harass ng China.

Nanindigan din si Tarriela na handa silang tindigan at ipaglaban ang posisyon ng Pilipinas sa WPS.

Ito aniya ang “end game” ng Marcos administration sa hamong kinahaharap ngayon ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo.

Facebook Comments