Mga iligal na imported poultry meat products na mula sa China, nasamsam ng CIDG

Arestado ang isang negosyante na si alyas “Zerjay” matapos maaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na imported na karne ng manok sa isang minimart sa Cartimar, Pasay City nitong August 5, 2025.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group – NCR, nasabat sa operasyon ang 20 kahon ng ipinagbabawal na poultry products tulad ng peking duck, yellow chicken, blackened chicken at karne ng palaka na pawang galing sa People’s Republic of China.

Ipinagbawal ng Department of Agriculture ang mga produktong ito dahil sa presensya ng Highly Pathogenic Avian Influenza (HPAI) virus strains na maaaring makahawa sa tao.

Giit ni PBGen. Christopher Abrahano, acting director ng CIDG, tungkulin ng Estado na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng wastong inspeksyon at pagbabantay sa mga produktong pangkonsumo, lalo na sa pagkain.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9296 (Meat Inspection Code of the Philippines) at Republic Act No. 7394 (Consumer Act of the Philippines) dahil sa iligal na pagbebenta ng mga produktong mapanganib sa kalusugan.

Facebook Comments