Mga Iligal na Pinutol na Kahoy, Narekober sa Echague, Isabela!

548

Narekober ng pinagsanib na pwersa ng 86th Infantry Battalion at DENR ang mahigit isang (1) libong board feet ng ‘Lawaan’ na kahoy kahapon sa Sitio Diamtic, Brgy. San Miguel, Echague, Isabela.

Sa natanggap na impormasyon ng 98.5 iFMCauayan, ipinagbigay alam ng mga opisyales ng nasabing barangay sa kasundaluhan ng 86IB at sa CENRO San Isidro na may nakitang nakatambak na mga illegal na pinutol na kahoy sa naturang lugar na agad naman nilang inaksyunan na nagresulta sa pagkakarekober ng mga ito.


Ayon naman kay LTC Remigio Dulatre, pinuno ng 86IB, lalo pa nilang paiigtingin katuwang ang DENR ang paghuli sa mga iligal na namumutol ng kahoy.

Sa ngayon ay nasa pag iingat na ng DENR ang mga narekober na kahoy para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments