Mga ililikas na Pinoy mula sa Sudan, hahanapan ng trabaho sa Saudi – Sec. Ople

Hahanapan ng gobyerno ng Pilipinas ng pansamantalang trabaho sa Saudi Arabia ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na inilikas mula sa gulo sa Sudan.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople, tinitingnan nila ang posibilidad na ma-hire sa Saudi ang mga nais na magtrabaho doon kaysa umuwi sa Pilipinas.

Batay sa impormasyong hawak ng kalihim, 725 na mga Pilipino ang humingi ng tulong sa Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt.


Habang 327 sa kanila ang nais na umuwi ng bansa.

Facebook Comments