MGA ILLEGAL VENDORS AT MGANAKAHAMBALA SA SIDEWALK SA BAYAMBANG, BINIGYAN NG SAMPUNG ARAW NA PALUGIT PARAUMALIS SA KANILANG MGA ILIGAL NA PWESTO

Sampung araw na palugit; yan na lamang ang ibibigay na araw ng Road Clearing Task Force ng Bayambang para sa mga iligal na nagtitinda at lumalabag sa patakaran na pagtitinda sa mga sidewalk.
Sa pulong na isinagawa kasama ang Road Clearing Task Force at Municipal Administrator ay tinalakaya ng mga dapat na gawin o aksyon sa mga susunod na road-clearing operations.
Matapos na mabigyan ng demand letter, sampung araw na palugit lamang ang ibibigay sa lahat ng sidewalk vendors at may-ari ng iba pang sidewalk obstructions para baklasin ang lahat ng kanilang kagamitan ang mga paninda.

Kung sakali man na hindi sumunod ang mga ito ay naatasan ang Task Force na kumpiskahin at idemolish ang nakakaabala sa sidewalk.
Gaganapin muli ang isa pang pagpupulong sa lunes para pag-usapan ang operasyon sa pagpapasa naman ng lokal na pamahalaan sa Road Clearing Ordinance. |ifmnews
Facebook Comments